Mea culpa. Ako ang may sala.
Ako ang dahilan kung bakit hindi ko natutupad ang aking mga pangarap. Marahil... di ako karapatdapat sa mga tagumpay.. Marahil... masyadong mataas ang hinahangad ko sa buhay.
Dapat ko na lamang bang tanggapin na ang mga magagandang bagay ay di para sa akin?
Na gaya ng aking mga kapit-bahay, ako ay sapat nang makuntentong kumakain araw-araw at gumigising upang magtrabaho at may makain... Buti nga sila, bagama't masyadong maaga, ay may anak na makakasama nila sa pagtanda.
Napansin ko kanina, na ang tanda na pala ni Aling _____, ang asawa ni Mang Rene na may tindahan sa palengke. Dati rati ang kinis ng kanyang balat. Ngayon, tila ba humulas na ang lahat kasabay ng panahon. At naalala ko rin ang sinasabi sa akin ng salamin... di na ako kasing bata gaya ng dati. Wala na ang makinis kong mga binti. Napugnaw na ang hubog ng masel sa aking tiyan. May mga marka na ng tighiyawat ang aking mukha. Di na bagsak na bagsak ang aking buhok. Sira-sira na ang aking mga ngipin na di ko na nagawang paalagaan sa dentista. Lalo nang lumalabo ang aking mga mata.
Matanda na ako. Pababa na sa lakbay ng buhay nang wala man lamang narating.
Di na ako dapat nangangarap. Ang mga gaya ko ay kailangan na lamang makuntento sa buhay na ipagkakaloob sa akin. Huwag nang subuking marating ang kung ano dahil maramot sa akin ang mabuting palad. Ako yata ay itinakda sa kabiguan...
May darating pa bang maganda sa buhay?
Kailangan ko bang turuan ang aking sariling huwag umasa? Dahil habang may pag-asa patuloy lamang akong mabibigo.