Ang dibdib ko'y libingan
ng mga pumanaw na pakiramdam. Kay rami nang nakatirik na krus sa kanyang lapad. (Halimbawa ay “Dito nakalibing si Pagpapatawad,” “Dito si Pangarap,” “Nakahimlay dito sina Kilig at Pag-ibig,” Mga ganiyan.) Paminsan-minsa'y may sepultererong huhukay sa mga bangkay at kalansay (o buto); Bubungkalin ang lupa at ang puso ko. Salin ni Maria Rowena Malaya Angeles mula sa akda ni Pablo Neruda
Ngayong gabi'y maisusulat ko ang pinakamalumbay na tula. Isulat halimbawa na, “Basag na mga piraso ang gabi at ang mga bughaw na bituin ay nanginginig sa lamig sa kanilang layo.” Nililibot ng hangin ang langit, at umaawit. Ngayong gabi'y maisusulat ko ang pinakamalumbay na tula. Inibig ko siya, at minsa'y inibig niya rin ako. Sa mga gabing gaya nito ay yapos ko siya sa aking mga bisig. Hahagkan ko siyang paulit-ulit sa silong ng walang hanggang langit. Minsan niya akong inibig. Inibig ko rin siyang minsan. Paano ko bang hindi mamahalin ang kanyang biluga't payapang mga mata? Ngayong gabi'y maisusulat ko ang pinakamalumbay na tula. Isipin ko pa lamang na di ko na siya kapiling. Damahin ko lamang na wala siya sa akin. Ang pakinggan ang kay tahimik na gabi, na mas naging tahimik nang siya'y lumisan. At ang mga tula ay papatak sa aking kaluluwa gaya ng hamog sa damuhan. Mahalaga pa ba kung ang pag-ibig ko'y di siya kayang pigilan? Basag ang gabi at wala na siya sa aking tabi. Ito na ang lahat. Sa malayo ay mayroong umaawit. Sa malayo. May kung anong hinahanap-hanap ang aking kaluluwa ngayong wala na siya. Hinahanap siya ng aking paningin na tila ba tutungo ako sa kanya. Hinahanap siya ng aking puso ngunit hindi ko siya kasama. Ito rin ang parehong mga punong niliwanagan nng ganito ring gabi. Ang kami noon, ay hindi na gaya ng kami ngayon. Hindi ko na siya iniibig, sigurado ako, ngunit gaano ko siyang minahal. Hinagilap ng aking tinig ang hangin upang marating ang kanyang pandinig. Sa iba. Siya ay mapupunta na sa iba. Gaya ng aking mga halik noon. Ang kanyang tinig. Ang kanyang maputing katawan. Ang kanyang matang tila ba walang hanggan. Hindi ko na siya iniibig, tiyak ako rito, ngunit marahil ay mahal ko siya. Kay igsi ng pag-ibig. Kay tagal ng paglimot. Sapagkat sa mga gabing gaya nito ay yapos ko siya sa aking mga bisig. May kahungkagan sa aking kaluluwa ngayong nawala na siya. Ito na ang huling sakit na maipadarama niya sa akin. At ito na ang huling tulang iaalay ko sa kaniya. **** Tonight I can write the saddest lines Tonight I can write the saddest lines. Write, for example,'The night is shattered and the blue stars shiver in the distance.' The night wind revolves in the sky and sings. Tonight I can write the saddest lines. I loved her, and sometimes she loved me too. Through nights like this one I held her in my arms I kissed her again and again under the endless sky. She loved me sometimes, and I loved her too. How could one not have loved her great still eyes. Tonight I can write the saddest lines. To think that I do not have her. To feel that I have lost her. To hear the immense night, still more immense without her. And the verse falls to the soul like dew to the pasture. What does it matter that my love could not keep her. The night is shattered and she is not with me. This is all. In the distance someone is singing. In the distance. My soul is not satisfied that it has lost her. My sight searches for her as though to go to her. My heart looks for her, and she is not with me. The same night whitening the same trees. We, of that time, are no longer the same. I no longer love her, that's certain, but how I loved her. My voice tried to find the wind to touch her hearing. Another's. She will be another's. Like my kisses before. Her voide. Her bright body. Her infinite eyes. I no longer love her, that's certain, but maybe I love her. Love is so short, forgetting is so long. Because through nights like this one I held her in my arms my sould is not satisfied that it has lost her. Though this be the last pain that she makes me suffer and these the last verses that I write for her. My heart is a cloud, a wild flower, an ancient seascape, drifting, unfurling, ever changing... not still as window-shelf jewels sparkling on their velvet perches, or greenhouse roses looked upon with care, or a safe harbor whose waves have been tamed... my heart is a cloud, a wild flower, an ancient seascape. And if you, dear, think that I am not enough for you, Know this. Then, you are not enough for me. You say you are stark naked to the coldness of the universe, and that you go unadorned to the feast that is life. Here. Wear my heart as your necklace, my gaze as your cloak, for garments, my arms in your cold night. And like in the mornings when little suns fall upon your face, drape me around you like bedside sunlight. |
Maria Rowena Malaya Angelesmanunulat. makasining. manlalakbay. manggagawa. mag-aaral. mangingibig. misyonero. anak. babae. filipino. Archives
July 2015
Categories |