Tama. Masyado akong intense. May malaki akong pangangailangang matutuhan ang sining ng subtlety sa aking pagsusulat. Sisikapin ko itong gawin. Pagsisikhayan ko talaga. Alam ko namang mapalalalim nito ang kung anumang kakayahang mayroon ako.
Isa itong malaking hamon para sa akin. Paano bang hindi maging intense? Kaninang papasok ako sa opisina, nasalubong ko ang isang babaeng papunta sa bayaran ng tiket sa PNR. Hirap na hirap siya sa kanyang mga bagahe. Pawisan. Saan siya pupunta? Bakit wala siyang kasamang dalhin ang kanyang mga maleta? Wala kaya siyang anak o asawa? Nadaanan ko rin ang magtataho na bata pa lang ako ay magtataho na, matikas pa siya noon. Puti na ang kanyang buhok ngayon at hukot na ang tindig, at para bang lagi nang mukhang natalo sa pustahan ang timpla. Ano ang binago ng pagtanda sa kanyang buhay bukod sa pagkulubot? Sa may kanto ng Espana at Lacson ay may nakaburol. Walang ibang taong nagtatanod sa kanyang ataul kundi isang babaeng may karga-kargang sanggol. Iyon ba ay kanyang mag-inang mag-isa na ring babata sa buhay? Sa may Cuenco Street, may mga pamilyang sa mga kariton lang nakatira. May mga sanggol na nakalapag lang sa semento ng kalsada. Ang iba'y masaya lang na naglalaro sa tabi ng daan. Ang saya nila, walang muwang na may mali sa ganitong eksena. At ilang kalye lamang, ilang hanay ng naglalakihang kabahayan ang walang nakatira. (Dahil ba ang iba sa mga may-ari'y nasa abroad na o may condo namang mas maganda at bago?) Ang lahat ng tagpong iyan ay ngayon lamang umaga.
Heto pa.
Paano ba maging hindi intense? Tuwinang bibili ako ng Twining's (brand ng tsaa) para sa mga event, naiisip ko na halos kasing halaga na iyon ng isang araw na sweldo ng manggagawa sa isang construction site. (May kakilala akong piyon, dahil tatlong daan lang ang sweldo niya kada araw, naglalakad na lang siya pauwi sa pinakikituluyan para makatipid. Buong araw kang kayod kalabaw, babad sa araw, maglalakad ka pang pauwi! Sa isang linggo, swerte na na isang araw at dalawang gabi niya nakakasama ang mga anak dahil masyadong magastos ang mag-uwian sa Bulacan.) Kapag kakain kasama ang mga kliyente at magbabayad ng bill, sasagi sa aking itong halagang ibabayad ko, ilang tao na ang makakakain ng almusal, tanghalian, at hapunan. Hindi ko naman iyon pera pero ewan ko ba kung bakit parang nakakakunsensya.
Bakit naman kasi kailangan ko pang makita ang mga ito. Bakit may nararamdaman akong ganito? Ano ba talaga ang mas gusto ko: ang maging bulag pero masaya o ang nakakakita pero nakukunsensya? Minsan, naiisip kong sa pagsusulat at ilang maliliit na bagay lang ako nakakabawi. Para saan pa ako magsusulat? Para saan ako tutula?
Ang hirap maging hindi intense. Ngunit pangako, kahit may mga sandaling pakiramdam ko'y may sasabog na kung ano sa loob ng dibdib ko, sisikapin kong matutuhan ang sining ng subtlety. Pagsisikhayan ko itong talaga.