Ang dibdib ko'y libingan
ng mga pumanaw
na pakiramdam.
Kay rami nang nakatirik
na krus sa kanyang lapad.
(Halimbawa ay
“Dito nakalibing si Pagpapatawad,”
“Dito si Pangarap,”
“Nakahimlay dito sina Kilig at Pag-ibig,”
Mga ganiyan.)
Paminsan-minsa'y
may sepultererong huhukay
sa mga bangkay at kalansay
(o buto);
Bubungkalin ang lupa
at ang puso ko.
ng mga pumanaw
na pakiramdam.
Kay rami nang nakatirik
na krus sa kanyang lapad.
(Halimbawa ay
“Dito nakalibing si Pagpapatawad,”
“Dito si Pangarap,”
“Nakahimlay dito sina Kilig at Pag-ibig,”
Mga ganiyan.)
Paminsan-minsa'y
may sepultererong huhukay
sa mga bangkay at kalansay
(o buto);
Bubungkalin ang lupa
at ang puso ko.