Isang gabi noong nakaraang linggo, napansin ko ang itinatayong mga tolda sa may kalsada. May namatay pala. Sabi ng binatilyong binibilhan ko, iyon daw ay iyong matandang magbobote na natutulog palagi sa hagdan ng palengke. Naalala ko bigla ang matandang lalaking naglalako ng mga alkansya sa may Taft Avenue tuwing gabi. Kuba na siya sa katandaan, kulubot na kulubot na ang kanyang balat at mabagal na siyang maglakad. Nasaan kaya ang mga anak nila? Ang mga kapatid? wala ba silang mga mahal sa buhay na maaring mag-alaga sa kanila? Bakit sila hinahayaang mamuhay ng ganoon? Naisip ko, kahit anong mangyari, hindi iyon kailanman mararanasan ng aking mga magulang.
May mga pagkakataon na naiisip kong hindi talaga makatwiran ang kapalaran ng mga tao. Bakit?
Ayon sa Maslow's Hierarchy of Needs, iba-iba ang mga pangangailangan ng tao. Una, siyempre ang pangangailangan niya upang mabuhay: hangin, pagkain, tubig, masisilungan... lahat ng tao, di maaring mabuhay ng wala nito. Ikalawa: kaligtasan at kasiguruhan. Ikatlo: Pagmamahal at pagtanggap ng iba. Ikaapat: Respeto at paggalang. At ikalima: Self-actualization o kabuuhan ng pagkatao.
Naisip ko na ang ibang tao, di na kailangang dumaan sa unang baytang. Expressway na agad sa pangalawa, pangatlo, pang-apat. Di na nila kailangang dumaan sa unang hakbang upang mabuo ang pagkatao. Samantalang marami tayong kababayan na sa unang hakbang palang, palyado na. Dapat ang unang hakbang na ito ay karapatan ng lahat ng mamamayan. Lahat ng nilikha ay may dignidad, at kasama sa dignidad niya ang magkaroon ng sapat na pagkain, tubig, tahanan. Sana hindi dumating ang panahon na pati hangin ay kailangan nang bilhin. Lahat ay may presyo. Sa panahon daw naito, pangarap na lang ang libre. Kung ikaw nga naman ay isang ina o ama na naghahangad ng maayos na buhay para sa mga anak mo, na may sigurado silang makakain pag nagutom o na hindi sila mababasa kapag umulan, uunahin mo pa ba ang kagustuhang makasama sila sa kanilang paglaki? O aalis ka ng bansa upang subukan ang swerte? Bakit ba may mga nagpuputa? Wala naman sigurong batang lalaki o babae na nagsabi noong bata pa siya na, “Paglaki ko gusto kong maging puta.” Pipiliin niya ba ang respeto at paggalang ng mga kapitbahay (o paggalang sa sarili) kaysa sa pangangailangan ng kanyang tumatandang mga magulang? Hindi ko sinasabing tama ito. Ang tao ay hindi kailanman nawalan ng kalayaang mamili. No matter how entrenched in poverty human beings may become, they will never lose the freedom to choose. Iyon nga lang, marami ang kumakapit na lamang sa patalim dahil kailangan rin nilang mabuhay. (Kaya, admittedly, hirap akong igalang ang mga lalaki [o babae] na ang ideya sa fun ay pagkuha ng serbisyo ng mga prostitute. Tingin ko ito ay pananamantala. Sa propesyong ito, hinuhubad ng isang tao at kanyang pagka-tao at nagiging isa na lamang bagay na nakapagbibigay aliw.)
May mga gustong maging pintor, pero dahil in demand daw ang nurses sa abroad, sasabihan ng magulang na mag-nurse na lang ang anak dahil sayang ang oportunidad na makapangibang bayan.
Naalala ko ang isa naming napag-usapan sa klase noong isang linggo; may isang malaking contruction and real estate firm na kumuha ng serbisyo ng limang construction worker. Labintatlong taon silang kinukuha. Dumating ang panahon na tinanggal na lamang sa serbisyo ang apat. Ang dahilan, matanda na sila at mabagal nang gumawa. Wala silang nakuha kahit maliit na halagang pansimula man lamang kahit isang maliit na sari-sari store. Para sa kumpanya, swerte pa sila dahil patuloy na kinuha ang kanilang serbisyo sa loob ng maraming taon. Ayon sa batas, kung ang isang empleyado ay nagserbisyo ng higit sa isang taon, at kung ang trabaho niya ay mahalaga o direktang may kaugnayan sa nature ng kumpanya, maari na siyang ituring na isang regular na empleyado; halimbawa, contruction worker at construction company, writer at publishing company, guro at eskwela. Ngunit ito ang problema, totoo ito liban na lamang kung nakasaad sa kontrata na sila ay fixed-term employees lamang. Kapag natapos ang nakatakdang panahon o proyekto, maari na silang basta na lamang tanggalin.
Iyon ang masaklap. Kahit pa sabihing ibinuhos na ng mga matanda ang kanilang buong lakas at buhay sa kahahalo ng semento o kakaakyat sa mga mataas na gusali, wala iyong halaga. Ang mahalaga lamang ay kung ano ang nakasulat sa kontrata. Kung sakali kayang nabasa nila noon na wala silang pag-asang maging regular, tatanggi kaya sila sa trabaho? Hindi rin naman siguro. Mabuti na ang sigurado ang ngayon kaysa sa sigurado ang bukas.
Minsan, nangangarap akong sana dumating ang panahong hindi na kailangang problemahin ang pera ng Filipino. Di na kailangang umalis ng mga magulang at iwan ang mga anak upang makapagpatayo ng bahay o makapagpaaral. Di na kailangang iwan ng mga anak ang kanilang mga magulang upang makipagsapalaran sa mga bayang di nila kilala upang masigurong may pambayad ng kuryente buwan-buwan at may pagkain araw-araw. Makapagpaaral na ang mga bata. May mga nakilala akong batang di na nakapapasok sa mga paaralan dahil kailangan nilang tumulong maghanapbuhay. May pambayad na sa doktor ang mga maysakit. Nakakalungkot na sa ibang liblib na lugar, may namamatay pa sa tigdas, pagtatae, hika, TB... simpleng sakit na lamang ang mga ito ngayon. Kayang-kaya na sanang gamutin kung maagapan lamang. Wala na sigurong pipiling matulog sa mga kalye dahil ang lahat ay may kakayahan nang makabili ng disenteng bahay. Pangarap. Pangarap.
Kaya nga marahil napakalakas ng debosyon ng mga Filipino sa Nazareno, nakikita nila sa Kanya ang kanilang mga sarili. Ang pagsasakripisyo para sa mga minamahal. Ang pagpapatuloy sa daan ng Kalbaryo kahit pa maghirap o masaktan. May isang manunulat na nagsabi na ariin nating biyaya ang lahat ng ating mga pasakit, dahil sa pamamagitan nito, nagiging dakila ang ating kaluluwa.
Maari nga.
May nabasa akong isang libro ng nga sanaysay ni Virgilio Almario. Ayon sa kanya, sa Brunei, lahat ay libre. Oo, walang mga itinitindang alak sa mga bar, walang malalaswang palabas sa sine, wala rin marahil barbeque-han sa kanto... pero wala ring buwis na binabayaran ang mga mamamayan. Libre ang edukasyon. Walang traffic. Walang basura sa kalye. Walang natutulog sa mga lansangan. Lahat ay nakikinabang sa langis ng bayan.
Ngunit may isa silang problema. Attitude.
Upang di maburyong sa nakakainip na kaperpektuhan, ang mga kabataan ay nagkakarera na lamang sa mga daan sakay ng kanilang magagarang sasakyan. Laging may aksidente.
Marami ang di na nagtatrabaho dahil bakit pa nga ba sila magtatrabaho kung may Filipino namang pwedeng utusan para gumawa noon. Napakarami raw Filipino sa Brunei.
Kumukonti na ang bilang ng mga tagaroong may expertise sa kanilang mga fields. Dahil marami namang Filipinong gagawa para sa kanila.
Ayon pa kay Rio Alma, kahit ang manunulat ay kulang sa anghang. Wala raw kasing nagaganap na tunggalian sa kanilang mga loob. Ano pang ipaglalaban nila? Saan sila huhugot ng sidhi?
Bilang isang manunulat, iniisip kong isa akong potograpo. Ngunit sa halip na kamera, hinuhuli ko ang mga damdamin at idinidebelop sa mga pahina. Writing is capturing memories and beauty, only, the output are not pictures but words through which people can see pictures of worlds beyond their reach or get in touch with the universe within themselves.
Kung may naisusulat man ako, dahil iyon mayroon akong mga karanasan at naranasan. Naniniwala akong mas nagkaroon ng kahulugan ang aking pananampalataya at aking buhay dahil bilang isang pamilya, wala kaming expressway sa tadhana. Luminaw ang aming mga mata sa mga tula ng daigdig dahil nakatapak kami sa lupa.
Kailangan man naming dumaan sa Step 1, naaaninaw ko pa rin ang huling baytang, ang kabuuhan ng sarili. Marahil nga, may mga bagay na hindi pwedeng daanin sa shortcut. Ano nga ba ang maganda sa kwentong walang tunggalian, walang climax, walang kontrabida?
Ang mga suliranin at pagsubok ang nagpapayaman sa buhay. Kung wala nito, mamamatay tayong wala man lamang natutunan. Ang mga ito ang humuhugis sa ating karakter bilang anak, kapatid, ina, ama o asawa; bilang anak ng Diyos; bilang mangingibig; bilang nilalang sa mundo – bilang tao.
Mahirap man sa Pinas, marami pa ring dapat ipagpasalamat. Ang malawak na langit, ang malalim at mayamang balon ng mga ala-ala, ang tinta ng aking figurative na panulat...
Marami pa. Marami pa. Salamat po Tatay Diyos.