Marami nang nagbago sa atin. Hindi na ako ang dating akong handa kang ipaglaban. Hindi na ako ang dating akong naglalatag ng lahat sa iyong paanan. Mali ba ito? Paano ba tayo dapat magmahalan? Paano mo ba gustong ibigin kita? Sinubok kong iikot ang buhay sa pagtugon sa iyo, ngunit marahil, hindi ito ang ibig mo dahil nabigo ako. At nabasag. Naisip kong, marahil, ang ibig mo ay hayaan akong danasin ang buhay, ang magpakatao, ang namnamin ang lahat ng hibla ng aking pag-iral. Ngunit dahil dito ay napalayo ako sa iyo. At ngayon, hindi na ako ang dating ako. Hindi na tayo ang dating tayo. At ikaw, dahil ikaw ay Diyos, ay di ka nagbabago. Ikaw ay ikaw pa rin.
|
more blogs hereMaria Rowena Malaya Angelesmanunulat. makasining. manlalakbay. manggagawa. mag-aaral. mangingibig. misyonero. anak. babae. filipino. Archives
June 2016
Categories
All
|